MRT-3 bibili ng mga bagong aircon para sa summer

By Justinne Punsalang March 06, 2018 - 03:26 AM

 

Inamin ng pamunuan ng MRT-3 na naghahanda na sila para sa posibleng mga glitches o aberya na mararanasan ng kanilang mga tren sa pagsapit ng tag-init.

Batay kasi sa datos na hawak ng MRT-3, mas maraming nararanasang mga technical problems ang MRT-3 kapag mainit ang panahon. Hindi lamang ito limitado sa mga bagon ng tren, ngunit maging sa mismong railway system.

Kaya naman ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, naghahanda na sila. At kabilang dito ang pagbili ng mga brand new na air conditioning units para sa mga bago.

Samantala, kahapon ay 10 mga tren ang tumakbo, ngunit nabawasan pa ito ng dalawa. Sa kabuuan ay nasa mahigit-kumulang 300,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3.

Inaasahan namang mayroong limang mga tren ana madadagdag sa riles makalipas ang maintenance activity na gagawin ng pamunuan sa Holy Week.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.