Gobyerno desperado nang matanggal sa pwesto si Sereno-Gabriela

By Justinne Punsalang March 06, 2018 - 03:09 AM

 

Isang desperadong hakbang ng gobyerno ang paghahain ng quo warranto petition upang mapatalsik sa posisyon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang naging pahayag ng Gabriela Women’s Party sa pamamagitan ni Representative Emmi De Jesus.

Aniya, alam kasi ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang patutunguhan ang naunang impeachment complaint laban sa punong mahistrado kaya naman ngayon ay quo warranto na ang susunod nilang hakbang.

Dagdag pa nito, hindi ‘act of kindness’ para kay Sereno ang ihinain na petisyon, ngunit isang hakbang upang isalba ang kanilang mga sarili mula sa nakakahiyang pagbabasura sa impeachment complaint.

Maging si Ifugao Representative Teddy Baguilat ay sangayon dito. Aniya, ‘last minute’ na desisyon ang quo warranto petition para sa gobyerno dahil hindi sila makakuha ng suporta para mapatalsik si Sereno sa pamamagitan ng impeachment.

Ayon naman kay Anakpawis party-list Representative Ariel Casilao, isang pagpapakita na mahina ang ihinain na impeachment casr laban kay Sereno kaya naman naghain na lamang ng quo warranto petition ang pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Kabataan partylist Representative Sarah Elago na ang naturang hakbang ay upang matiyak ang monopolya sa kapangyarihan ng Duterte administration.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.