Ilagan, Isabela, niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

 

Mula sa Phivolcs

Nakaranas ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Ilagan, Isabela dakong alas 12:14 ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol 11 kilometro sa silangan ng bayan ng Ilagan.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 30 kilometro.

Wala namang naiulat na magnitude ang Phivolcs resulta ng pagyanig.

Wala ring inaasahang pinsalang idinulot ang lindol sa mga struktura sa apektadong lugar.

Read more...