PEZA, nangangamba na magsi-alisan ang mga kumpanya dahil sa Tax Reform Law

 

Nangangamba ang Philippine Economic Zone Authority o PEZA sa posibilidad na magsi-alisan ang mga negosyante sa bansa sa oras na maipatupad na ang ikalawang bahagi ng Tax Reform Law.

Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, nag-aalala na ang mga kumpanya sa loob ng mga economic zones dahil napapaloob sa ilalim ng TRAIN Law ang pagputol sa kanilang mga tax incentives.

Paliwanag pa ni Plaza, sa ibang bansa ay lalo pang pinagaganda ang mga tax incentive sa mga foreign companies upang maka-engganyo pa ng mas maraming foreign direct investments.

Ito aniya ay taliwas sa mangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng ikalawang bahagi ng TRAIN Law kung saan ihihinto ang mga insentibong tinatanggap ng mga kumpanya.

Dahil dito, naghahanda na ang PEZA na maghain ng counter-proposal na naglalayong bigyan ng mas maraming tax incentives ang mga negosyanteng nais na mamuhunan sa bansa.

Ang rationalization ng mga tax incentives ay isa sa mga pangunahing isinusulong sa ikalawang comprehensive tax reform package ng Department of Finance.

Read more...