Pilipinas, una sa listahan ng ‘best countries’ para mag-invest

Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na tinaguriang ‘best countries’ na mag-invest.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ito ay dahil sa malakas na macro-economic fundamentals ng bansa pati ang hakbang ng administrasyong Duterte na gumastos sa imprastraktura.

Binanggit ni Dominguez ang report ng website na business insider kaugnay ng ranking na inilabas ng US News noong Pebrero kung saan nakasaad na nasa number 1 spot ang Pilipinas.

Sa naturang website ay sinabi ng US News na ang “best countries to invest in” ay batay sa score na ibinigay ng mahigit anim na libong business decision makers.

Isinaalang-alang ang walong factors sa pagpili ng mga bansang kasama sa listahan, ito ang kurapsyon, dynamism, economic stability, entrepreneurship, paborableng tax environment, ang mga manggagawa at technological expertise ng bansa.

Sinabi sa report na taliwas sa pagbagsak ng pagpasok ng foreign direct investment sa mga bansa sa Southeast Asia, napanatili ng Pilipinas ang magandang performance nito.

Pumangalawa sa Pilipinas ang Indonesia, na sinundan ng Poland, Malaysia at Singapore bilang top five na mga bansa kung saan pinaga-magandang mag-laan ng puhunan.

Read more...