Pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ipapatupad na mamayang umaga

Ngayong araw, muli na namang tataas ang halaga ng mga produktong petrolyo sa merkado.

Sa abiso ng iba’t ibang mga kumpanya ng langis, madaragdagan ng P0.30 kada litro ang diesel, habang P0.50 kada litro ang sa gasolina. Samantalang P0.80 naman ang itataas sa bawat litro ng kerosene.

Nauna nang nag-anunsyo ang mga kumpanyang Flying V, Pilipinas Shell, PTT, SeaOil, Phoenix Petroleum, Caltex, Eastern Petroleum, UniOil, Jetti, at Total tungkol sa kanilang price adjustment sa ganap na alas-6 ng umaga.

Nag-abiso rin ang Eastern Petroleum na mababawasan ng P2.00 kada kilo ang kanilang ibinibentang liquefied petroleum gas (LPG). Ito ay epektibo rin bukas, sa ganap na alas-6 ng umaga.

Read more...