Mga tiwaling tauhan ng PDEA, nais nang sibakin ng PDEA chief ngayong Marso

By Len Montaño March 05, 2018 - 08:54 PM

Inquirer file photo

Nais ni PDEA Chief Aaron Aquino na tuluyan nang masibak sa serbisyo ngayong buwan ng Marso ang mga tiwaling tauhan na kanyang sinibak dahil sa pangingikil ng pera sa isang hinuling suspek.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aquino na nasa kabuuang 21 tauhan sa PDEA Region IV-A o Calabarzon ang kaniyang tinanggal sa pwesto.

Ang ilan sa mga ito aniya ay nire-assign sa ilang regional units sa Luzon pero ang mga totoong may kasalanan ay nais ni Aquino na agad mawala sa serbisyo.

“Yun namang may sala, talagang i-didismiss ko sa serbisyo. In fact, yung internal affairs service namin, nasabihan kong can we resolve this within the month. Dapat ma-dismiss sila within the month. Gusto ko ganun kabilis kasi we need to resolve the case in 60 days period pero ayoko na kasing hintayin yung dalawang buwan. Natatagalan ako kaya gusto ko isang buwan,” pahayag ni Aquino.

Kwento ng PDEA chief, may sibilyan na nagreklamo sa kanya na hiningan ito ng mga tauhan ng PDEA Region IV-A ng P1.2 milyon kapalit ng pagka-aresto sa kanya. Kalaunan, ang report ng Calabarzon unit ay pinalabas na negatibo sa droga ang suspek pero nakuhanan na pala ito ng pera.

Hindi naitago ni Aquino ang galit dahil damay ang buong PDEA sa katiwalian ng iilan nilang mga tauhan.

Una rito ay sinibak din ni Aquino sa pwesto ang hepe ng PDEA Region 12 sa General Santos City dahil sa katulad na reklamo ng kurapsyon.

TAGS: PDEA Chief Aaron Aquino, PDEA-CALABARZON, PDEA Chief Aaron Aquino, PDEA-CALABARZON

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.