Higit 26,000 aplikasyon, dumaan sa Passport on Wheels

Inquirer file photo

Mahigit sa 26,000 aplikante ng passport ang naserbisyuhan ng Passport on Wheels (POW) simula lang noong Enero, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, ang POW ay nakadalaw na sa 12 lungsod, walong bayan at sa isang ahensiya ng gobyerno.

Samantala, ang Mobile Passport Service ng DFA – Office of Consular Affairs ay tumanggap na ng 12,320 passport applications sa 15 lugar noong Enero at Pebrero.

Ang punong tanggapan naman ng DFA-OCA sa ASEANA sa Paranaque City ay nakapagsilbi na sa 3,554 na karagdagang aplikante matapos magbukas na rin sila tuwing araw ng Sabado noong nakaraang buwan.

Inanunsiyo din na dahil sa dagsa ng aplikasyon para sa 10-year passports, magbubukas pa ang DFA ng walong consular offices sa ilang lungsod at lalawigan, kung saan ipapatupad din ang e-payment system.

Read more...