DILG, umiwas sa kumalat na viral photo ni Usec. Diño
Dumistansya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Interior Undersecretary Martin Diño.
Sinabi ni Jonathan Malaya, ang tagapagsalita ng DILG, na ‘hands off policy’ ang kanilang gagawin sa viral photo ni Dino sa social media, kung saan nakasuot siya ng uniporme ng Coast Guard at may ranggong two-star general o rear admiral.
Sinabi pa ni Malaya, irerespeto na lang nila kung ano ang magiging aksyon ng Philippine Coast Guard ukol sa isyu.
Aniya, umaasa sila na anuman ang gagawin ng PCG ay ayon ito sa batas, panuntunan at regulasyon.
Una nang sinabi ng PCG na maaring makasuhan ng usurpation of authority si Diño, maging mga kasong kriminal.
Nadiskubre din nila na hindi miyembro ng PCG Auxilliary si Diño kaya’t ilegal ang pagsusuot nito ng kanilang uniporme.
Bagama’t, tinitingnan din kung nauto lang si Diño na isuot ang uniporme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.