Quo warranto petition ng Solgen vs Sereno, kauna-unahan sa Pilipinas – Palasyo

Inquirer file photo

Kauna-unahan at walang kahalintulad sa Pilipinas ang inihaing quo warranto ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa quo warranto petition ng Solgen na inihain sa Supreme Court, kinukwestyun nito ang kwalipikasyon ni Sereno para maging chief justice.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, normal rule sa Pilipinas na maari lamang mapatalsik sa puwesto ang isang impeachable official kagaya ni Sereno sa pamamagitan ng impeachment trial.

Gayunman, sinabi ni Roque na mas makabubuting hintayin na lamang ang magiging pasya ng kataas-taasang hukuman sa quo warranto petition.

Ang quo warranto ay isang paraan ng pagpapatanggal sa isang opisyal dahil sa unlawfully o labag sa batas ang pagkakaupo nito sa puwesto.

Read more...