Boracay permits, sisilipin ng DILG

By Jan Escosio March 05, 2018 - 07:51 PM

Inquirer file photo

Hihimayin ng binuong grupo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año ang lahat ng permits na ibinigay sa mga negosyo sa isla ng Boracay.

Ayon kay Año, ang 12-man team ay pamumunuan ni Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing III ang Boracay Investigating Team (BIT).

Dagdag pa ng kalihim, ang grupo din ni Densing ang magrerekomenda kung sino ang mga dapat kasuhan para papanagutin sa pagkakasalaula ng Boracay.

Sinabi din nito na hindi niya paliligtasin sa kanilang pag-iimbestiga maging ang mga negosyante na nakikipagkutsaba sa mga opisyal.

Dagdag pa ng opisyal, inatasan din nito ang grupo ni Densing na alamin kung paano ginasta ang sinisingil na environmental fee sa pamosong isla.

TAGS: boracay, Boracay Investigating Team, DILG OIC Eduardo Año, premit, boracay, Boracay Investigating Team, DILG OIC Eduardo Año, premit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.