Ilang miyembro ng Maute group, posibleng nasa Metro Manila na – CPNP Bato
Inilutang ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang posibilidad na mayroon ng mga miyembro ng Maute-terror group sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng pagka-aresto sa isa sa mga sub-leaders ng grupo sa Tondo, Manila.
Ayon kay Dela Rosa, ang naarestong si Abdul Nasser Lomondot ay pwedeng walang intensyon na maghasik ng lagim sa Metro Manila at pwedeng nagtatago lang ito sa batas.
Pero dahil may natuluyan ang suspek sa Maynila ay posible aniyang nakarating na sa Metro Manila ang mga kasamahan nito.
Samantala, sinabi ni Manila Police District director Joel Coronel na sangkot si Lomontod sa Marawi siege.
Ito aniya ay isa sa mga target ng militar sa operasyon noong Oktubre pero nakatakas lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.