3 MMDA personnel na nanggulpi sa isang buco vendor sa EDSA, suspendido

By Jan Escosio March 05, 2018 - 07:31 PM

Inquirer file photo

Suspensyon ng 15 araw ang ipinataw sa tatlong tauhan ng MMDA na nanggulpi ng isang buco vendor sa EDSA.

Sinabi ni MMDA acting general manager Jojo Garcia ang nasangkot na tauhan ng kanilang Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ay sasailalim din sa drug test.

Ito aniya ay dahil kapansin-pansin sa video kung paano sila naging agresibo sa pananakit sa vendor na si Romnick Relos.

Kasabay nito, nanawagan din si Garcia kay Relos na sumailalim din sa drug tests para naman malaman din ang ugat ng kanyang pagpalag sa mga taga-MMDA.

Kanina ay nagtungo sa MMDA si Relos at iginiit niya na tutuluyan niya ng reklamo ang mga nanakit sa kanya.

Aniya, nais niyang matanggal sa trabaho ang mga nakaaway niya dahil sa hindi makataong pagtrato.

TAGS: buco vendor, drug test, Jojo Garcia, mmda, buco vendor, drug test, Jojo Garcia, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.