Quo warranto petition vs Sereno, tatalakayin sa SC bukas

By Len Montaño March 05, 2018 - 06:48 PM

Inquirer file photo

Tatalakayin ng Korte Suprema bukas, araw ng Martes, ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General na layong paalisin si Chief Jusitce Ma. Lourdes Sereno sa kanyang pwesto ng wala ng impeachment trial.

Ayon sa mga source sa Supreme Court, isinama na ang petisyon ng Solgen sa agenda ng en banc bukas.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ang quo warranto petition ay ang tamang hakbang dahil iligal ang pag-upo ni Sereno sa kanyang posisyon.

Ang garapal aniyang pagbalewala ni Sereno na sumunod sa requirements ng batas at konstitusyon ay patunay na wala itong integridad kaya unlawful ang pagiging punong mahistrado nito.

TAGS: impeachment, jose calida, quo warranto, SC en banc, Sereno, Solgen, impeachment, jose calida, quo warranto, SC en banc, Sereno, Solgen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.