6 COOP na accredited ng PNP, pinaiimbestigahan ni CPNP Dela Rosa
Pinaiimbestigahan ngayon ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang anim na kooperatiba na inuutangan ng kanilang mga police personnel.
Ito’y makaraang magreklamo ang nasa 74 mga pulis na may ranggong SPO4 pababa dahil sa mataas na kaltas sa kanilang mga sweldo at haba ng pagbabayad sa kanilang mga utang.
Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, inihalimbawa pa ni Bato ang isang SPO3 na nagkaroon lamang ng P5,000 na take home pay matapos umabot sa mahigit P44,000 ang deductions sa sahod nito.
Giit ng PNP chief, dapat nang itigil ng finance service ang pangongolekta para sa mga Kooperatiba na ikinokonsiderang mga Loan Sharks.
Dapat din daw ay wala ng automatic deduction sa suweldo.
Paliwanag niya, nagkakaroon kasi ng paratang na kumikita ang PNP partikular ang ilang heneral sa pagpapautang ng mga kooperatiba.
Ang anim na kooperatibang tinutukoy ng PNP ay ang GCSMPC, KOOP PULIS, PULIS KAPIT BISIG, TAGAPAGTAGUYOD, YAKKAP, at FFMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.