Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang na napapansin na ng buong mundo ang magandang bunga ng pagsisikap na reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, patunay na rito ang pagkilala ng US News sa tulong ng World Bank group sa Pilipinas bilang top 1 sa mga bansang pinakamainam paglagakan ng investment.
Sinabi ni Andanar na hindi lamang mga investors sa bansa ang malaki ang tiwala kay Pangulong Duterte kundi maging ang mga international investors kaya patuloy sa pagganda ang ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga naging basehan ng US News ang entrepreneurship, economic stability, favorable tax environment, innovation, skilled labor, technological expertise, dynamism, at corruption.
Gamit ang 21,000 na tao sa halos 80 bansa, ikinonsidera ng US News ang cultural influence, entrepreneurship at quality of life.
Nanguna sa mga bansang lumabas sa survey ang Pilipinas na may population na 103.3 million, Total GDP na $304.9 billion at GDP growth na 6.9% kasunod ang Indonesia, Poland, Malaysia, Singapore, Australia, Spain, Thailand, India, Oman, Czech Republic, Finland, Uruguay, Turkey, Ireland, Netherland, United Kingdom, Brazil, France at Chile.
Binigyang-diin ni Andanar na dahil sa mga ganitong pagkilala sa mga programa ng Duterte administration ay lalo pang pagbubutihin ng pamahalaan ang serbisyo sa bayan at repormang ipinatutupad.