OSG, dumulog na sa SC para matanggal sa pwesto si CJ Sereno

By Ricky Brozas March 05, 2018 - 02:53 PM

Pormal nang dumulog sa SC si Solicitor General Jose Calida para inihirit na matanggal na sa pwesto si CJ Maria Lourdes Sereno.

Personal na nagtungo si Calida sa SC para sa kanilang 34-panihang Quo warranto petition laban kay Sereno.

Ayon kay Solgen Calida, bagamat isang impeachable official ang punong mahistrado, may kapangyarihan din ang office of the solictor general na kuwestyunin ang appointment ni Sereno alinsunod sa ilalim ng konstitusyon at ng Rule 66 ng rules of court.

Paliwanag ni Calida, hindi kasi nagsumite si Sereno ng kanyan kanyang SALN.

Sinabi pa ni Calida na naging mabaig pannga sila kay Sereno sa paghahain nito ng Quo warranto petition para hindi na siya sumalang sa proseso ng impeachment trial sa Senado.

Hindi na rin anya nila isinama dito ang kwestyon sa umano’y bagsak na psychological examination nito nang mag-apply itong mahistrado ng SC.

Nais ng OSG na ideklarang null and void ng SC ang appointment ni Sereno at dapat na anyang alisin ito sa pwesto.

Dumipensa naman si Calida na ang paghahain nila ng Quo warranto petition ay patunay na mahina ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

TAGS: CJ Sereno, korte suprema, Solicitor General Jose Calida, CJ Sereno, korte suprema, Solicitor General Jose Calida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.