2 ang patay sa pamamaril sa Caloocan

By Angellic Jordan March 05, 2018 - 12:12 PM

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na shooting incident sa computer shops sa Bagong Silang, Caloocan City, Linggo ng gabi.

Ayon sa mga saksi, naglalaro ang isang medical technologist na si Jimbelle Mimay, 28 taong gulang, nang biglang lapitan at barilin sa ulo ng isang lalaki sa bahagi ng Phase 1, Barangay 176.

Matapos ang pamamaril, umalis lang anila ang suspek na nakasuot ng sumbrero at itim na jacket at sumakay sa isang tricycle na tila nag-aabang sa kaniya.

Ayon sa ina ng biktima, nagkaroon ng kaaway si Mimay na may koneksyon sa larong Defense of the Ancients o DOTA.

Samantala, patay din ang biktimang si Bryan Buluran, 24 taong gulang, matapos barilin sa ulo sa bahagi ng Phase 8 ng kaparehong barangay.

Nakasuot rin ang suspek ang sumbrero, asul na jacket at takip sa mukha.

Ayon sa pamilya nito, walang naibabahagi ang biktima na may nakaalitan ito.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng pulisya ang relasyon ng dalawang insidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan city, metro news, radyon inquirer, Shooting Incident, caloocan city, metro news, radyon inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.