Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Eastern Samar bandang 9:05, Lunes ng umaga.

Batay sa earthquake information ng Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 15 kilometers South ng bayan ng Llorente.

May lalim ang lindol na 30 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity IV sa mga bayan ng Llorente at Hernani, sa Eastern Samar.

Intensity III ang naitala sa Balanginga, Lawaan, Salcedo at Borongan City sa Eastern Samar.

At Intensity II sa Tacloban City at Palo, Leyte; gayundin sa Dolores at Guiuan, Eastern Samar.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

 

 

 

 

 

 

Read more...