One-week na zero glitches sa MRT, hindi dapat ipagmalaki ayon sa isang mamabatas
Hindi dapat ituring na “achievement” ng Department of Transportation ang isang linggo na hindi nagkaroon ng aberya ang MRT-3.
Ayon kay Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ikatuwa at ipagdiwang ng ahensya ang isang Linggong “zero glitches” sa mga tren nito dahil kulang pa ito sa naranasang pagdurusa ng mga pasahero sa nakalipas na dalawang taon.
Giit ng mambabatas, hindi na dapat isinasapubliko ng ahensya ang ganitong balita sa social media na tila pinagmamalaki pa.
Ang sentimyento aniya ng publiko ay sa halip na matuwa ay lalo lamang silang naiirita dahil sila ang pumapasan sa gross negligence o kapabayaan ng pamahalaan.
Dagdag pa ng kongresista, dapat pang magtrabaho ng double-time ang pamahalaan para maibalik muli sa kanila ang nawalang tiwala ng publiko.
Mula Enero hanggang Pebrero nang taon na ito, 36 na aberya na ang naitala sa MRT na nagresulta sa off-loading nito ng mga pasahero nito.
Karamihan sa mga sanhi ng aberya ay electrical failure, signalling error, malfunctioning speedometer at smoke emissions.
Dumating pa nga umano na sa sobrang lala ng problema sa MRT ay 3 tren lang nito ang nag-operate noong February 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.