Apat na apartment units, nasunog sa San Juan

By Angellic Jordan March 05, 2018 - 11:08 AM

Aabot sa tatlong milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang napinsala matapos sumiklab ang sunog sa apat na apartment units sa bahagi ng N. Domingo Street, San Juan, Linggo ng gabi.

Apat na residente ang nasaktan sa insidente bunsod ng pagkakalanghap ng usok.

Sa ngayon, inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.

Sa gitna ng Fire Prevention Month, nanawagan ang mga otoridad sa publiko na iwasan ang octopus electric wiring at ugaliin ang pagtanggal ng pagkakasaksak ng mga appliances kung hindi ginagamit.

 

 

 

 

 

TAGS: bureau of fire, fire incident, Metro Manila, san Juan, bureau of fire, fire incident, Metro Manila, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.