“Alphabet Inc” bagong holding company ng Google

By Mariel Cruz October 03, 2015 - 11:33 AM

google
google.com

Simula sa lunes ay “Alphabet Inc” na ang magiging opisyal na business name ng sikat na search engine na Google.

Ito ang inanunsiyo ng Google matapos magsara ang US market noong Biyernes.

Pero nilinaw ng Alphabet Inc. mananatili ang “Google” bilang default interface name ng naturang search engine.

Sa pagbabago na ito, awtomatikong mapapalitan na ang Class A at Class C shares ng Google at magiging kapareha na ng numero ng Class A at Class C shares ng Alphabet at magsisimula nang makipagkalakalan sa American Stock Exchange na Nasdaq.

Pangungunahan ng Google co-founder na si Larry Page ang Alphabet at lahat ng mga negosyo na nakapaloob dito ay may sariling Chief Executive na itinalaga.

Ang mga online advertising businesses ng Google katulad ng Search, Android at Youtube ay hahawakan na din ng Alphabet Inc.

Maging ang ilang pang sangay ng Google na Google Life Sciences and Calico, Sidewalk Labs, Nest, Google Ventures, Google Capital at ang research lab na Google X ay ilalagay na rin sa pamamahala ng Alphabet.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga investors ang bagong kilos at sinabing magbibigay ito sa kanila ng mas mataas na financial performance ng mga pangunahing negosyo na nakapaloob sa Google.

Isasapubliko naman ng Alphabet ang financial result ng Google sa January 2016. Una nang nag-anunsiyo ang Google ng posibleng pagbabago sa kanilang kumpanya noong nakaraang Agosto.

TAGS: alphabet, google, alphabet, google

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.