Naarestong sub-leader ng Maute, magtatago lang sana at walang balak manggulo – PNP

By Mark Makalalad March 05, 2018 - 09:26 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Tumakas lang sa kaguluhan sa Mindanao at walang balak na maghasik ng kaguluhan ang Maute sub-leader na nahuli sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, Enero ngayong taon nang napadpad sa Maynila si Nasser Lomondot alyas Muhamad kasama ang kanyang asawa na si Rizasalam Lomondot sa pamamagitan ng pagbiyahe by land, sakay ng PUV.

Paliwanag niya, natatakot lang umano sa kanilang buhay ang dalawa at ayaw na masangkot sa bakbakan sa Mindanao kaya humiwalay sa kanilang mga kasamahan.

Gayunman, hindi naman inaalis ni Dela Rosa ang posibilidad na “recruitment” ng bagong myembro ang dahilan kung bakit nasa Maynila ang mga ito.

Anya, matagal-tagal pa kasi ang aabutin bago makapagpalakas ng pwersa ang mga terorista dahil napilayan sila sa Marawi.

Samantala, aminado naman ang PNP Chief na nagkaroon ng pagkukulang sa pagbibigay ng seguridad kung paano nakapgbyahe sina Lomondot.

Pero kanya namang tiniyak na walang dapat ikabahala ang publiko dahil mayroon namang mga intelligence at binabantayan nila ang mga vital areas.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

TAGS: Maute Terror Group, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, sub leader, Maute Terror Group, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, sub leader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.