2 pulis Maynila ginawaran ng medalya sa Camp Crame

By Mark Makalalad March 05, 2018 - 09:11 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Binigyan ng pagkilala sa Camp Crame ang 2 Pulis Maynila.

Tumanggap ng “Medalya ng Sugatang Magiting” si PO1 Jester Versoza habang “Medalya ng Kagalingan” ang iginawad kay PO2 Mel Bautista.

Si Versoza ang pulis na inundayan ng saksak sa Sampaloc, Maynila at binaril ang suspek pero hindi nya iniwan ang sumaksak sa kanya at sa halip ay naghintay ng mga tao na magdadala dito sa hospital.

Habang si Bautista naman ang pulis-Maynila na kahit naka-off duty ay rumesponde sa isang krimen sa Moriones.

Sakay sa kaniyang motorsiklo kasama ang kaniyang asawa at 7-anyos na anak na babae, hinabol ni Bautista ang snatcher na nanghablot ng cellphone ng isang estudyante.

Samantala, nagpasalamat naman ang dalawa sa pagkilalang iginawad sa kanila.

Anila, dahil sa medalya ay mas gaganahan pa silang tuparin ang kanilang tungkulin.

 

 

 

TAGS: Camp Crame, Medalya ng Kagalingan, Medalya ng Sugatang Magiting, PNP, Radyo Inquirer, Camp Crame, Medalya ng Kagalingan, Medalya ng Sugatang Magiting, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.