Malakanyang may banat sa mga kritiko ng pangulo sa pasya nito sa West PH Sea

By Chona Yu March 05, 2018 - 08:46 AM

“Maghintay kayo na maitalaga sa Supreme Court”.

Ito ang naging bwelta ng palasyo ng malakanyang sa paulit ulit na pagbatikos ng nga kritiko kagaya ni Professor Jay Batongbacal sa pagpayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint exploration ang Pilipinas at China sa natural resources sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman harry roque, malinaw na nakasaad sa Supreme Court decision sa “La Bugal” na sa ilalim ng Saligang Batas pinapayagan ang joint exploration basta’t alinsinod sa kontrata na nilagdaan ng pangulo na isusumite sa kongreso.

Si dating Chief Justice Artemio Panganiban pa aniya ang nagsulat ng desisyon.

“Malinaw po ang La Bugal, ang joint exploration po ay pinapayagan sa ating Saligang Batas basta alinsunod ito sa isang kontrata na nilagdaan ng Presidente at isusumite sa kongreso. Iyong mga nagpipilit po na ipinagbabawal ang joint exploration ay maghintay po kayo ng susunod na desisyon ng oKorte Suprema, ang desisyon po ngayon, ang batas na umiiral ay isinulat po ni dating Chief Justice Panganiban,” ayon kay Roque.

Payo pa ni Roque kay Batongbacal, magbasa ng mga desisyon ng Mataas na Hukuman o hindi naman kaya ay maghintay ng mga susunod na desisyon ng mga mahistrado.

 

 

 

 

 

TAGS: China, Harry Roque, joint exploration, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Spratly's, West Philippine Sea, China, Harry Roque, joint exploration, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Spratly's, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.