Apat na miyembro ng Abu Sayyaf sumuko sa militar
Boluntaryong sumuko sa militar ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, kusang sumuko sina Raddoh Jamah,Saddam Hussein, Okim Jikiri at Abdulsali Abda Abdulkarim sa tropa ng 2nd Special Forces Battalion ng Joint Task Force Sulu.
Kasabay din nilang isinuko ang kanilang isang M16 rifle, dalawang garand rifles, at isang colt cal .45 pistol.
Nabatid na sina Jamah at Hayudani ay dating tauhan ni Abu Sayyaf subleader Sibih Pisih habang sina Jikiri at Abdulrahim ay dating trusted followers ni Alhabsy Misaya.
Agad na isinailaim sa medical examination at custodial debriefing ang apat sa headquarters ng JTF Sulu sa Brgy. Busbus, Jolo Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.