Ulat na nakapasok na sa Metro Manila ang mga foreign terrorist, bineberipika pa ng AFP

By Mark Makalalad March 05, 2018 - 08:08 AM

Bineberipika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may presensya na nga ba ng mga foreign terrorists sa Metro Manila.

Ito ay makaraan umano silang makatanggap ng mga ulat na may mga suportang ipinadala sa local terrorist groups ang ISIS leadership sa Malaysia at Indonesia na dumating sa bansa sa pamamagitan ng southern back door.

Ayon kay Philippine Army commanding General Rolando Joselito Bautista, napag-alaman ng kanilang hanay na sa central Mindanao at sa Metro Manila ang concentration ng mga terorista kaya naman gumagawa na sila ng aksyon hinggil dito katuwang ang Philippine National Police.

“Alam din natin na may mga support sila coming from the different leadership particularly sinasabi natin sa indonesia and malaysia and there were reports na binavalidate pa lang na yung pasok nila through the backdoor and even sa metro manila meron pero sabi nga nati n naidentify naman sila and at the same time meron ding ginagawang aksyun yung ating kapulisan at armed forces of the phils, yung concentration ngayon is ang nakikita namin is dito sa area ng central mindanao,” ayon kay Bautista

Matatandaang inihayag ng western Mindanao Commandna hinahanap nila ang sinasabing 40 foreign fighters na pumasok umano sa bansa sa pamamagitan ng pag-tawid dagat, para makumpirma ang mga reports.

Magugunitang sinabi rin ni NCRPO Director Oscar Albayalde na possibleng nagtatago ang mga dayuhang terrorista sa mga Muslim communities sa Metro Manila dahil dito ang kalimitan nilang taguan.

 

 

 

 

TAGS: ADP, ISIS, Radyo Inquirer, terorist group, ADP, ISIS, Radyo Inquirer, terorist group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.