Ayon kay fire department Spokesman Slawomir Brandt, mayroong 18 apartment sa loob ng building na tinitirhan ng 40 residente.
Patuloy anya ang mga firefighters at rescuers kasama ang kanilang mga sniffing dogs sa search operations.
Inaasahang tatagal ang paghahanap sa iba pang mga biktima ngayong araw ng Lunes.
Ilan sa mga residente ang nakarinig ng malakas na tunog at iyak ng mga taong sumisigaw ng ‘save us’.
Nangako naman ang gobyerno sa mga apektadong residente ng tulong pinansyal at mga istrukturang kanilang matutuluyan.
Ayon kay Regional Governor Zbigniew Hoffman, masyado pang maaga para matukoy kung ano ang sanhi ng pagguho ngunit possible anyang gas explosion ang sanhi nito.
Pansamantalang pinutol ang gas service sa luhar at nananatiling sarado ang natitirang bahagi ng building.