Apat patay, 24 sugatan sa pagguho ng apartment building sa Poland

By Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 07:20 AM

Apat ang nasawi habang 24 ang sugatan sa pagguho ng isang building sa kanlurang bahagi ng lungsod ng Poznan sa Poland, araw ng Linggo.

Ayon kay fire department Spokesman Slawomir Brandt, mayroong 18 apartment sa loob ng building na tinitirhan ng 40 residente.

Patuloy anya ang mga firefighters at rescuers kasama ang kanilang mga sniffing dogs sa search operations.

Inaasahang tatagal ang paghahanap sa iba pang mga biktima ngayong araw ng Lunes.

Ilan sa mga residente ang nakarinig ng malakas na tunog at iyak ng mga taong sumisigaw ng ‘save us’.

Nangako naman ang gobyerno sa mga apektadong residente ng tulong pinansyal at mga istrukturang kanilang matutuluyan.

Ayon kay Regional Governor Zbigniew Hoffman, masyado pang maaga para matukoy kung ano ang sanhi ng pagguho ngunit possible anyang gas explosion ang sanhi nito.

Pansamantalang pinutol ang gas service sa luhar at nananatiling sarado ang natitirang bahagi ng building.

 

 

 

 

 

TAGS: Building, Poland, Poznan, Building, Poland, Poznan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.