Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Tumama ang lindol sa 36 kilometers South ng bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan alas 3:00 ng madaling araw ng Lunes, March 5.

Ayon sa PHIVOLCS, 16 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...