Bilang ng mga tren ng MRT na nai-deploy ngayong umaga, nadagdagan

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2018 - 06:52 AM

FILE

Mas marami-rami ang bilang ng mga tren ng MRT na napabiyahe sa pagbubukas ng MRT ngayong umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT, 10 tren agad ang operational as of 4:58 ng umaga.

Pero pagsapit ng alas 6:00 ng umaga, nabawasan pa ito at naging 9 na lamang.

Gayunman, mas marami pa rin ang bilang ng mga tren ngayong umaga kumpara sa 6 hanggang 8 tren na napapabiyahe sa pagbubukas ng MRT nitong nagdaang mga linggo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, Radyo Inquirer, Train, dotr, MRT, Radyo Inquirer, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.