Halos 35 degrees Celsius na temperatura naitala sa Metro Manila kahapon
Bagaman hindi pa pormal na idinedeklara ang panahon ng tag-init sa bansa, nakapagtala na ng mataas na temperatura sa maraming lugar sa Pilipinas kasama na ang Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, kahapon, naitala ang mainit na 34.7 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City alas 12 ng tanghali.
Ang lalawigan ng Cotabato ang nakapagtala ng pinamakamataas na temperatura kahapon na umabot sa 35.6.
Sa Subic naman umabot sa 35.4 ang temperatura at 35.2 degrees Celsius naman ang naitala sa Tuguegarao at Cabanatuan.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na ridge of high pressure area ang umiiral sa Northern Luzon habang easterlies naman sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.