Mainit ang panahon ngunit hindi pa summer season – Pagasa

By Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 04:30 AM

 

Hindi pa man summer season ay nagiging mas mainit na ang panahong nararamdaman sa bansa ayon sa PAGASA.

Patuloy itong mararanasan dahil sa kawalan ng presensya ng Hanging Amihan o northeast monsoon at ang pag-iral naman ng ridge of high pressure area at easterlies na kasalukuyang nakakaapekto sa bansa.

Ang pag-iral ng easterlies at high pressure area at kawalan ng north east monsoon ay ang mga indikasyon para ideklara ng PAGASA ang summer season.

Gayunman, sa mga susunod na araw ay inaasahan pa ring iiral ang northeast monsoon sa mga lalawigan sa Northern Luzon bagaman hindi na singlakas tulad ng naranasan noong mga nakaraang buwan.

Sa susunod na tatlong araw ayon sa PAGASA ay makararanas ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at may pulo-pulong pag-ulan.

Kamakailan ay nagbabala ang PAGASA na magiging mas mainit ng kaunti sa normal na temperatura ang mararanasan ng bansa dahil sa pag-iral ng La Niña.

Inaaasahan ng weather bureau na aabot sa 39.3 degrees Celsius ang maximum temperature sa buwan ng Abril habang 37.8 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magsisimula ang summer season ngayong buwan ng Marso o sa unang linggo ng Abril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.