Sa pagtaya, inaasahang magkakaroon ng dagdag na P0.20 hanggang P0.35 sa kada litro ng diesel.
Samantala, P0.40 hanggang P0.50 naman ang inaasahang magiging dagdag sa bawat litro ng gasolina.
Sa kerosene, tinatayang nasa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang magiging pagtaas sa presyo bawat litro.
Ang epekto pa rin ng paggalaw sa presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng mga oil players sa panibagon price increase ngayong linggo.
Matatandaang noong nakaraang linggo, nagtaas na rin ng presyo ang mga oil companies.
MOST READ
LATEST STORIES