Panibagong oil price increase, asahan ngayong linggo

By Jay Dones March 05, 2018 - 12:49 AM

 

Tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.

Sa pagtaya, inaasahang magkakaroon ng dagdag na P0.20 hanggang P0.35 sa kada litro ng diesel.

Samantala, P0.40 hanggang P0.50 naman ang inaasahang magiging dagdag sa bawat litro ng gasolina.

Sa kerosene, tinatayang nasa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang magiging pagtaas sa presyo bawat litro.

Ang epekto pa rin ng paggalaw sa presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng mga oil players sa panibagon price increase ngayong linggo.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nagtaas na rin ng presyo ang mga oil companies.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.