Menor de edad halinhinang ginahasa ng boyfriend at mga kaibigan

By Justinne Punsalang March 04, 2018 - 09:01 PM

 

File photo

Ginahasa ang isang 16 na taong gulang na babae sa Bugasong, Antique.

At ang tinuturong salarin sa krimen ay ang kanyang boyfriend at mga kaibigan nito.

Kwento ng dalaga, nagpapahinga siya sa ilalim ng isang puno nang lapitan ng kanyang 17 taong gulang na boyfriend at yayain papunta sa tabi ng ilog.

Dito na tinawag ng binata ang kanyang mga kasamahan at sinimulan ang panghahalay.

Ayon sa biktima, sinubukan niyang labanan ang mga lalaki ngunit masyadong malakas ang mga ito para sa kanya.

Matapos ang insidente ay kaagad namang naaresto ang apat sa limang mga suspek, kabilang dito ang boyfriend ng biktima.

Napag-alaman na menor de edad ang dalawa sa mga ito.

Giit naman ng mga suspek, hindi nila ginahasa ang dalaga.

Ngunit lumalabas naman sa medical examination ng biktima na mayroong mga palatandaan na ito ay napagsamantalahan.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang isa pang suspek sa panghahalay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.