Tricycle driver patay, pasahero sugatan sa napag-initang motorcycle rider sa Lucena

By Jay Dones March 04, 2018 - 07:59 PM

 

Patay ang isang tricycle driver samantalang sugatan ang pasahero nito makaraang pagbabarilin ng rider ng motorsiklong kanilang napag-initan sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Diego Amante, 48-anyos, driver ng tricycle at pasaherong si Ruben Culinares, 39 taong gulang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na rider na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lasing umano na bumibyahe lulan ng tricycle ang dalawang biktima nang mapagtripan ng mga itong sitahin ang motorsiklong lulan ang suspek na nasa kanilang likuran dahil sa nakasisilaw umanong headlight nito.

Nang hindi umano pansinin ng rider, dito na itinulak umano ng biktimang si Amante ang motor kaya’t bumagsak ito.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at walang habas na pinaputukan ang dalawa hanggang sa bumulagta.

Bagamat nadala pa sa pagamutan ang mga biktima, idineklarang patay si Amante sanhi ng tama sa dibdib samantalang ginagamot pa rin ang biktimang si Culinares dahil sa tama ng bala sa tiyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.