Pagsibak kay Sereno sa labas ng impeachment “unconstitutional”

By Ricky Brozas March 04, 2018 - 06:25 PM

 

Nagbabala si Senador Antonio Trillanes IV na mahaharap sa lantarang “pagsasamantala” sa kapangyarihan ang mga mahistrado ng Korte Suprema kapag sinibak nila si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno nang hindi idinadaan sa impeachment.

Reaksiyon ito ng Senador matapos magkasundo ang SC en banc na sapilitang himukin si Sereno na maghain ng “indefinite leave” sa gitna ng mga alegasyong hindi nito idineklara ng buo ang kanyang yaman sa selection process pa lamang sa pagka-punong mahistrado.

Ayon kay Trillanes, tanging ang kongreso lamang ang may eksklusibong kapangyarihan na alisin ang isang impeachable official.

Ipinunto ng mambabatas ang mga ulat na karamihan sa mga hukom ng korte suprema sa pangunguna ni Associate Justice Marvic Leonen ay minamaniobra ang puwersahang pagtanggal kay Sereno.

Babala pa nito, anumang “unconstitutional act” na gagawin ng mga mahistrado ay maaring maging batayan para sila naman ang ma-impeach oras na magbago na ang administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.