Kumpiyansa si House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na macon-convict sa impeachment case si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, kung gaano kakumpiyansa si Sereno na malulusutan niya ang impeachment, ganun din aniya kakumpiyansa ang kanilang hanay na mapapatalsik sa puwesto ang punong mahistrado dahil sa kwestyunableng statements of assets liabilities and net worth, psychiatrict at psychological tests at iba pang kasong administratibo.
Sinabi pa ni Umali na mismong ang mga kasamahang mahistrado na ang nagbigay ng pahayag kontra kay Sereno.
Nangangamba si Umali na kapag nakabalik si Sereno sa Korte Suprema, tiyak na magiging magulo lamang at mas magiging masahol pa ang kataas-taasahang hukuman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.