Isang residential area sa Taguig City, nasunog

By Chona Yu March 04, 2018 - 01:43 PM

Isang residential area ang tinupok ng apoy sa Creekland Village, Hagonoy, Taguig City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senior Fire Officer 2 Florante Aquino ng Bureau of Fire-Taguig, nagsimula ang sunog kaninang 11:27 ng umaga.

Umabot aniya sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang fire out kaninang ala 1:03 ng hapon.

Aabot sa mahigit dalawampung bahay ang natupok ng apoy.

Wala naman aniyang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.

Ayon kay Aquino, inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy.

TAGS: Barangay Katuparan, BFP Taguig, Taguig City, Barangay Katuparan, BFP Taguig, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.