Compromise deal vs contractualization na plano ni Pang. Duterte, kinontra
Tinawag lang na ‘benta’ ng isang labor group ang alok na ‘compromise deal’ ng Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang isyu ng contractualization sa bansa.
Ayon kay Luke Espiritu, pangulo ng Buklurang Manggagawang Pilipino, malinaw na pagpapaasa lamang ito ng pangulo sa mga manggagawa noong panahon ng kampanya upang maihalal siya sa pwesto.
Pero ngayong nakaupo na, ayon kay Espiritu, tila kinalimutan na ni Pangulong Duterte ang kanyang naging pangako.
Naniniwala rin umano si Espiritu na ang inaasahang Executive Order na lalagdaan ng pangulo sa March 15 ay hindi tutuldok sa kontraktwalisasyon kundi isa lamang ‘carbon copy’ ng Department Order 174 ng DOLE.
Paliwanag ng grupo, dahil sa D.O. 174, lalo pang lumala ang kalagayan ng mga karaniwang empleyado.
Matatandaang inihain ni Pangulong Duterte sa mga labor groups ang panukalang kumpromiso para balansehin ang hiling ng mga manggagawa at ang interes ng business sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.