Higit P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Quiapo

Inquirer file photo

Aabot sa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila, Sabado ng gabi.

Kasabay nito, naaresto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service ang target na drug personality sa isang hotel sa bahagi ng Palanca Street sa Quiapo.

Kinilala ang suspek na si Hassanosin Domato Ampuan alyas “Kasador” o “Rusty.”

Ayon kay PDEA agent Robins Cataluña, inabot ng mahigit isang buwan ang isinagawang surveillance ng mga otoridad para mahuli ang suspek na nagbebenta ng shabu sa loob ng mga hotel at malls.

Dagdag pa nito, kilala rin ang suspek na supplier ng ilegal na droga sa National Capital Region, Region 6 at Lanao del Sur sa Mindanao.

Samanatala, inamin naman ng suspek na pag-aari nito ang mga nakulimbat na ilegal na droga at kumanta rin na kumukuha ng suplay mula sa isang alyas “Bryan.”

Read more...