Higit 200 notices of violation, inilabas ng DENR sa Boracay

By Angellic Jordan March 04, 2018 - 08:55 AM

Inquirer file photo

Sa pagpapatuloy ng inspeksyon, mahigit-kumulang 200 kaso ng environmental violations ang inihain ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Boracay.

Sa pahayag ng ahensya, aabot na sa 207 ang inisyung notices of violations sa mga establisimiyentong natagpuang lumabag sa ilang environmental laws.

Inilabas ang babala sa 116 establisimiyento na lumabag sa Philippine Clean Water Act, 77 sa Philippine Clean Air Act, lima sa parehong batas at siyam naman ang walang environmental compliance certificate.

Samantala, matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DENR, DOT at DILG ng anim na buwan para resolbahin ang problemang kinaharap ng nangungunang tourist destination na tinawag niyang “cesspool.”

TAGS: boracay, cesspool, DENR, notices of violation, boracay, cesspool, DENR, notices of violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.