2 weather system, nakakaapekto ngayong araw sa bansa

By Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 06:37 AM

Nakakaapekto ngayong araw ng Linggo sa buong bansa ang dalawang weather systems.

Ayon sa daily weather forecast ng PAGASA, nakakaapekto ang Ridge of High Pressure Area sa Hilagang Luzon, habang ang Easterlies naman na hanging nagmumula sa Pacific Ocean ay nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahang patuloy na magdadala ng mainit na panahon ang naturang weather systems.

Makararanas ng maaliwalas na panahon na may pulo-pulong pag-ulan ang Metro Manila at ang iba pang bahagi ng bansa.

Ligtas namang makakapalaot ang mga mangingisda sa buong bansa dahil sa banayad na alon sa mga karagatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.