Rumesbak ang Petron Blaze Spikers sa F2 Logistics Cargo Movers mula sa kanilang naunang tapatan noong nakaraang taon.
Sa kanilang naging laban para sa 2018 Philippine Superliga Grand Prix na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa lungsod ng San Juan ay tinalo ng Petron ang F2 sa iskor na 20-25, 25-19, 25-19, at 25-19.
Pinangunahan ng mga import na sina Lindsay Stalzer at Hillary Huryley ang Blaze Spikers matapos nilang magtala ng pinagsamang 41 points.
Nagbigay naman ng 31 excellent sets si Rhea Dimaculangan, habang tig-8 puntos ang ibinigay ni Mika Reyes at Ces Molina para sa koponan.
Para naman sa Cargo Movers, pinakamaraming naibigay si Maria Perez na kanilang import sa kanyang 21 points, at sinundan naman ni Kennedy Bryan na nakapagtala naman ng 18 puntos.
Dahil dito, nananatiling 4-0 ang win-loss record ng Petron.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.