Ito ang iginiit ng palasyo ng Malacañang at sinabing hindi sana naihalal sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi handa ang mga tao sa Federal na uri ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Federalismo ay isa sa mga plataporma ng pangulo at ibinoto si Duterte ng karamihan sa mga Filipino kaya handa ang mga ito sa pagbabago sa uri ng pamahalaan.
Ipinaliwanag din ng kalihim na nakasandal ngayon ang presidente sa binuo nitong Constitutional Commission (Con-com) dahil nais nitong ang magiging kalalabasan ng trabaho ng Kongreso ay bunga ng itinakda ng Con-com.
Anya, noong wala pang Con-com ay napakaraming bersyon ng Federalismo at walang may direktiba dito.
Ang pagbuo anya sa Con-com ay upang maging pangunahing taga-rekomenda sa Kongreso ng mga hakbang para sa pagsusulong ng Federalismo at mapabilis ang proseso nito.