US handang tugunan ang assets na kakailanganin ng Pilipinas para labanan ang terorismo

By Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 05:08 AM

Muling iginiit ng Estados Unidos ang suporta at dedikasyon nitong tulungan ang Pilipinas sa laban nito kontra terorismo partikular ang pagpulbos sa Islamic State (IS).

Ayon kay US Department of Homeland Security (DHS) Undersecretary for Intelligence and Analysis David H. Glawe, handa ang US na magbigay ng assets o mga kagamitan na kakailanganin nito sa laban kontra ISIS at Al-Qaeda.

Ito anya ay sa kabila ng malawakang kritisismo sa isyu sa paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Bumisita si Glawe sa Pilipinas at nakapulong sina Justice Secretary Vitaliano Aguire II at iba pang matataas na opisyal.

Ilan sa kanilang mga pinag-usapan ay mga isyung may kinalaman sa drug enforcement, child trafficking, global terrorism at transnational crimes.

Kamakailan ay tinawag ng US Dept. of State ang Maute Terror Group na nasa likod ng krisis sa Marawi bilang ISIS-Philippines at binansagang isang ‘foreign terrorist organization’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.