Lalaki binaril ang sarili sa labas ng White House

By Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 03:47 AM

Isinailalim sa lockdown ang White House.

Ito ay matapos mapaulat ang ilang beses na pagputok ng baril.

Ayon sa tweet ng US Secret Service, isang lalaki ang nasawi matapos barilin ang sarili sa labas ng north fence.

Agad na rumesponde ang mga medical personnel at maswerte namang walang nasaktan sa nasabing insidente.

Sinabi rin ng Washington DC police na rumesponde na rin ang kanilang natural death squad.

Ayon sa isang White House reporter na si Geoff Bennett, namalagi ang mga mamamahayag sa isang press briefing room.

Kasalukuyang nasa Florida si President Donald Trump at ang kanyang asawa na si Melania.

Iginiit naman ng White House Press Secretary na naipaalam na sa presidente ang sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.