Kriminalidad sa Quezon City bumaba ng halos 50%

Malaking porsyento ng kriminalidad sa Quezon City ang nabawas simula ng manungkulan sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, 44.2% ang nabawas mula sa walong focused crimes kagaya ng murder, homicide, robbery, theft, motorcycle theft, car theft, physical injury, at rape.

Ito ay kung ikukumpara ang kanilang hawak na datos simula November 2014 hanggang June 2016 at July 2016 hanggang February 2018.

Ani Eleazar, mula sa 17,305 ay nasa 9,652 na lamang ang bilang ng walong mga focused crimes.

Aniya pa, mas mababa pa rin ang bilang ng sinasabing vigilante killings sa panungunkulan ni Pangulong Duterte kungpara sa mga bilang ng mga pagpatay sa nakaraang administrasyon. 361 kasi ang bilang ng homicide cases mula November 2014 hanggang June 2016, habang 65 lamang noong July 2016 hanggang February 2018.

Read more...