2 local officials sa Sarangani, sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan

By Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 02:54 AM

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang suspensyon ng dalawang opisyal ng Sarangani sa loob ng 90 araw habang iniimbestigahan sa kaso ng katiwalian.

Suspendido sina Sarangani Provincial Agricultural Development Officer Sittiehawa Morohomsalic at Budget Officer Wahid Diama.

Ito ay may kaugnayan sa iregularidad ng ‘awarding’ at pamamahagi ng 15,000 piraso ng ABC My Practice Book II noong 2003 na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso.

Batay sa limang pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, nararapat ang ‘preventive suspension’ upang maiwasang gumawa pa ng mga maling hakbang ang mga inaakusahan habang nasa pwesto.

Ipinag-utos na rin ng korte ang pagpapadala ng kopya ng resolusyon sa tanggapan ng Gobernador ng Sarangani para ipatupad ang suspension order.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.